Magandang Araw! Ako nga pala si Queency Mae Alba Hernandez, maaari mo rin akong tawaging “Queen” o “Wen”. Ako ay labing anim na taong gulang at ipinanganak noong August 22, 2003 sa Sta. Maria Josefa Foundation Hospital, Iriga City. Ako ay kasalukuyang nasa ika-10 baitang sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Nabua. Nakatira ako sa Zone 3, San Miguel, Nabua, Camarines Sur. Ang aking nakapa gwapong ama ay si Alejo Festejo Hernandez na isang retired police at ang aking napakagandang ina ay si Shirley Alba Hernandez na isang retired supervisor. Ako ang bunso sa aming limang mag kakapatid, mayroon akong tatlong kuya na mag poprotekta saakin at isang ate na natatakbuhan ko kung mayroon akong problema. 45 years old ang aking ina noong ipinanganak niya ako kaya malayo ang age gap ko sa aking mga kapatid. Ang aking pangalan ay galing sa “Queenship of Mary” dahil tuwing August 22 ay ipinagdiriwang ng mga katoliko ang araw kung saan kinoronahan si Ina. Ako ay nag tapos ng elementarya sa St. Jude Thaddeus Learning Center Inc. at mag tatapos ng secondarya sa Nabua National High School. Mahilig akong sumayaw at sumama sa iba’t ibang paligsahan ngunit ngayon ay napagtanto ko na ang pag sasayaw ay hindi para saakin. Mahilig rin akong manuod ng mga movies, kdramas at MTB race. Mahilig akong kumain ng mga matatamis at hindi ako kumakain ng gulay. Marunong akong tumugtog ng ukulele at nag aaral sa pag tugtog ng gitara. Gusto ko din pumunta sa iba’t ibang lugar at matutunan ang kanilang mga kultura kasama ang aking mga mahal sa buhay. Mahiyain ako sa umpisa ngunit lumalabas ang aking pagka kalog kapag naging komportable akong kasama sila. Marami akong kaibigan at tinuturing ko silang pamilya dahil nandyan sila palagi at napapasaya nila ako.
Gusto kong maging isang police kagaya ng aking ama dahil gusto kong maging katulad niya na matapang at may pantay na paningin sa iba. Ito rin ang nakikita kong paraan upang suklian ang aking mga magulang sa mga sakripisyo at pag sisikap nila upang mabigyan kami ng magandang buhay.
Napili ko ang kantang “A Million Dreams” mula sa pelikulang The Greatest Showman dahil ito ang nag rerepresenta sa aking sarili. Gusto kong makita ang mga kaya ko pang gawin. Isa na dito ang maging isang Police pero sabi nila huwag raw ako roon dahil delikado at babae ako ngunit para saakin ipapagpatuloy ko ito dahil hindi hadlang ang kaing kasarian upang makamit ito. Sabi nga ni Winnie the Pooh ” You are BRAVER than you believe, STRONGER than you seem, and SMARTER than you think”.
Leave a comment